Kilala ko na kung sino mga ka-away (in a sense) ng mga legislative people regarding population control. Walang iba kundi mga: STUDENT NURSES.
Bakit??
Simple lang. Upang makakuha ng nursing board exam may mga requirements ang PRC (Philippine Regulation Commission). Bawat isang nursing student ay kinakailangang magkaroon ng 5 cases ng actual deliveries, 5 cases ng assisted deliveries, and 5 cord care cases.
In short sa bawat isang estudyante, may tumbas na halos 15 cases of deliveries.
Sa isang kaso ng nanganak, 3 estudyante ang makakakuha ng case na 'yun (isang estudyante sa actual, isa din sa assist, isa din sa cord care). 1 case : 3 students.
Halimbawa sa classroom namin na may 40 students. Kuha tayo ng 3 students for PRC completion. 'Yung tatlong 'yun maaaring makumpleto 'yung requirements by having 15 cases (lahat sila magkakaroon ng tig-lilimang cases for actual, assist, and cord care). Kaya sa classroom namin: 39 students divided by 3 groups equals 13. 13 groups multiplied 15 times (for the cases) equals 195 cases. Tapos may butal pa na isang estudyante, eh di 15 cases pa ulit yun. So, 195 plus 15 equals 210 cases. Sa classroom lang namin 'yan.
Tapos 10 sections ang batch namin (sobra pa 'yung iba, like 41 or 42). Kunin na lang natin yung normal. 10 sections. 40 students. 1 section is approximately equal to 210 cases. 210 cases times 10 sections equals 2100 cases. Sa batch pa lang namin 'yan. Paano na 'yung mga naunang batch at mga susunod pa? At sa school (TUA) pa lang namin 'yan. Paano pa 'yung ibang schools na halos lampas lampasan pa sa sampu, labin-lima, o kaya dalawampung sections? So there is more or less 2100 live births (or some may have died) in every two years from our school's annual batches alone. Every two years sapagkat tatakbo ang completion ng isang estudyante (in line with the old nursing curriculum) starting from his/her third year level to fourth year level. Sa new curriculum, mag-start ka ng 2nd year. Paano pa kung sampung eskwelahan na. 2100 cases times 10 schools equals 21000. Eh hindi lang naman bilang sa mga daliri ng kamay at paa ang mga nursing schools sa Pilipinas.
Note: These are just "more-or-less figures". Purely mind thoughts.
NGAYON!! Ulitin natin. This time, literal na sagot ko.
Kilala ko na kung sino mga ka-away (in a sense) ng mga legislative people regarding population control. Walang iba kundi mga: STUDENT NURSES.
Bakit??
Simple lang. Kapag ang area of duty ay sa delivery room or sa lying-in, walang ginagawa ang estudyanteng nurse kung hindi ang MAGDASAL PARA MAY MANGANAK UPANG MAKAKUHA NG CASE AT MAKUMPLETO ANG PRC REQUIREMENTS!
As for me, I still need 4 more actual delivery cases. 3 more for assist deliveries. And another 3 for cord cases. As for major and minor operations, 5 each.
Ayan ang nangyayari sa 'kin kapag walang ginagawa sa area dahil wala namang nanganganak. Kung anu-ano naiisip.
Walang ginagawa = tumatakbo ang isip.
Walang nanganganak = nagdadasal na may mag-labor at mag-fully dilate into 10cm ASAP! Kahit nullipara pa 'yan.
Pati paglobo ng populasyon ng Pilipinas nai-relate ko sa mga hiling ng mga estudyanteng nurse.
:)
No comments:
Post a Comment