I accepted the challenge. Hindi ako patalo. I do the requirements ahead of time. I keep on reminding myself about the lessons of our previous core household: "I will excel in all things!"
Ang daming bagong experiences na naranasan ko while on duty sa Amang:
- CBG Monitoring: I got pricked by a needle. Hepa B? No! AIDS? No! Hehe. Ako muna kasi 'yung na-prick prior sa patient. Kaya kinabukasan, lancet na ang gamit ko. Nadala!
- Nagbigay ng IV meds. Oo! Sa tagal ko nang nag-du-duty, ngayon lang po ako nakapagbigay ng IV meds. Furosemide. Cefuroxime. Citicoline.
- C.I.: "May resistance na sa line. Remove IV. We'll insert a new one. Prepare your things." Kaye: "Ma'am, okay na po 'yung gamit. Ako po ba mag-insert ng IV?" C.I.: "Yes! Ikaw." Kaye: "Okay po. It's showtime! (Patay kang bata ka!) "
- Gumawa na naman ng on-the-spot NCP. Though, naranasan ko na ito kay Mr. Pekson.
- Makagamit ng ECG. Okay, makakita lang pala kung paano gamitin.
- Kumausap ng patient na wala sa huwisyo. Kaye: "Kelan po birthday niyo?" Patient: "Nung nag-bagong taon kasi ganito ganyan." Bantay/Patient's SO: "Birthday niya sa February 03 pa." Benta di ba?
- Makakita ng patient na ang GCS ay 5. Naghihintay na lang talaga.
- Makakita ng patient na may schizophrenia. Psych ward din ang Medicine Ward. ' "Kinakabahan ako. Baka may pumatay sa akin", as verbalized by the patient ' , as verbalized/told by my classmate. At ang pasyenteng iyon ay pinapakialam ang kanyang IV line. At the end of the eight-hour shift, ubos ang kanyang 1000 cc PNSS. Sapagkat, ni-fast drip niya.
- Nag-cram sa case pres. Bago pa ba ito? Hehe.
- Ipinagtanggol ng isang panelist ang aming case pres sa kapwa niya panelist. Panalo! Hindi madalas mangyari 'to. Actually, 'yung head nurse namin na panelist din ang nagtanggol sa amin sa kapwa niya. Hehe.
- Nagkaroon ng choosy na headache. (+) Headache while inside the medical ward. (-) Headache while outside the ward. Bawal nga pala ang "(+)" at "(-)", sa doktor lang 'yun.
- Gumastos sa isang araw na higit Php 200.00. Hindi naman ako nag-mall. Buti kung nagpunta ako ng mall, tanggap ko pa. :(
Ayan! Dami pala. 'Kala ko kaunti lang. As I was saying, January is about to end. Bukas, 31 January 2010, may Kick-Off Party pa kami sa cluster (YFL activity). Mamaya na pala 'yun. Puyat na naman. Haha. And to start my February 2010, bonggang final exam kami sa reproductive system na concept. At hindi pa ako nag-aaral. February 2nd, midterm exam naman sa research subject. Benta!
Kung iisipin, eksaktong dalawang buwan na lang and were done sa semester na ito. Tapos Holy Week na. Tapos World Youth Congress 2010 na. Yehey! Youth Camp. Yehey ulit! Tapos summer na panay duty. Benta talaga! Tapos fourth year na: ten months. Graduation. After 2 or 3 months. Boards.
Ang bilis isulat. Ang bilis i-plano. Pero madami dami pa akong bigas na kakainin. For February and March, four hospital areas pa ako. And to end this semester, ang huling duty namin ay sa area na ang description ay: "Benign naman 'yung area, 'yung C.I. ang toxic!" Palong-palo!
At dahil dyan, may nag-text!
"I will trust and be not afraid. I will forever be a daughter of God. I will forever strive for holiness for the glory of God. I will ace my studies. Excel in all things. I will forever love and serve my family, friends, YFL. And above all, my God."
--Kaye
Text talaga 'yan. Kahit itanong pa sa mga kapwa ko core servants. Hehe. Ang umpisa ng text na 'yan ay: "I am Kathrine...." . 'Yung full name ko. 'Yan 'yung produkto ng last core household namin. Hi-tech na ang household ngayon. Gumagamit na ng mobile phone.
God is the source of my strength and forever will be!
God is my great provider and forever will be!
God is my schedule planner* and forever will be!
*Hindi ko pa napa-plano, naisulat na niya sa aking planner. Alam na Niya kung anong mangyayari sa 'kin. And all I'd be doing is praise and glorify Him! I'd be doing a separate blog on this. Masyado na itong mahaba.
With our head nurses, Batch Amaranth.
Picture taken after the bloody case presentation.