21 August 2010

Live Pure!


Isang gabi.
Isang gabing nagliliyab.
Ng mga pusong naniniwalang posible.
Na posible lahat.



Posibleng magsaya kasama ng mga kaibigan at makipag-kwentuhan.
Makipag-kwentuhan ng walang halong mura, green jokes, at katulad nito. Live Pure.



Posibleng magsaya kasama ng mga kaibigan at makinig.
Makinig sa musikang walang halong mura, walang halong konteksto ng desecration ng sex. Live Pure.


Posibleng magsaya kasama ng mga kaibigan at sumayaw.
Sumayaw ng walang halong sensualidad. Live Pure.





Posibleng magsaya kasama ng mga kaibigan at uminom.
Uminom ng walang halong alkohol at walang sigarilyo. Live Pure.



Posibleng magsaya kasama ng mga kaibigan at mag-picture.
Magpa-picture na naninindigang mabuhay ng malinis. Live Pure.




Posibleng magsaya kasama ng mga kaibigan at umawit.
Umawit ng kasiyahan kasama si Kristo. Live Pure.



Isang gabi.
Isang gabing inumpisahan ng isang party.
Isang kasiyahan na magpapatuloy kailanman.
Hanggang sa araw ng selebrasyon ng pagbabalik ni Kristo!


LIVE PURE.
Live a pure life, that's the only way to live.





A.M.D.G.

No comments: